MASAYA si Kim Chiu sa kinalabasan ng bagong pelikula nilo ni Xian Lim Na Past Tense kung saan kasama nila si Ai-Ai delas Alas at Daniel Matsunaga. Ikatlong pagtatambal na nila ito. Unang pelikula nila ay Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? at ikalawa ay ang Bride For Rent na pawang nag-hit sa box office.
Sa story ng Past Tense, si Ai-Ai ang future ng character ni Kim. At si Kim naman ang past ng character ni Ai-Ai na babalikan nito para sa mga bagay na kailangang itama. Sa mga scenes na magkasama sila, talagang iisa ang kanilang kilos, mannerisms, pati sa expressions at pagsasalita. Paano nila pinaghandaan ito?
“Kami ni Mama Ai, nakatutuwa nga kasi hinahayaan niya ako. Parang… ‘anong gagawin natin dito, baby girl?’
“Tapos sabi ko, eto ang gagawin natin Mama Ai. Na bago tayo mag-line, gaganito tayo tapos ganyan.
“So hinahayaan lang niya ako sa mga expressions namin. Tapos gagayahin niya, parang gano’n.”
Tinatalakay sa istorya ng pelikula kung alin ba ang mas dapat piliin… the love that you’ve always wanted, or the love that have always wanted you.
Kung si Kim ang tatanungin, alin ba ang pipiliin niya?
“Syempre ‘yong mahal ako. Ang hirap naman kung mahal mo lang. Hindi patas ang laban.
“So gusto ko ‘yong love ako. Dapat ‘yong mahal ako kasi ang hirap naman ng one way lang na pagmamahal.
“Kasi kapag gano’n parang inaapi ka. Parang ang baba-baba na ng tingin mo sa sarili mo. Hindi ka na fresh!” tawa pa niya.
“Dapat ‘yong love ka para fresh ka, happy ka, at nakakaganda. Kasi kahit hindi mo naman love kung love ka, matututunan mo rin naman na mahalin siya, e.”
Nasaang estado na ba ang relasyon nila ni Xian sa ngayon at paano niya nakikita ang kahahantungan nito in the future?
“Si Xian, siya ‘yong sobrang pinakamalapit na lalaki for me sa ngayon. Na… konti lang ‘yong friends ko rito sa Manila kasi ‘di ba, taga-Cebu naman ako.
“Si Xian ‘yong pinakamalapit na lalaki sa akin. At nando’n kami sa… sobrang comfortable namin sa isa’t isa. Kasi parehas kami ng ugali. Na… homebody, boring, konti lang ‘yong friends, family…gano’n.
“So parang swak kami. Na hindi masydong mahilig sa nightlife. ‘Yong mga gano’n.”
In a scale of 1 to 10, ano ang rating na maibibigay niya sa closeness nila ni Xian sa ngayon?
“9!” mabilis na sagot ni Kim.
“9 kasi… para may 1 pang nakalaan pa for the next days or next years.”
Kung papipiliin siya, ano ang kanyang mas gugustuhin… bumalik sa past o pumunta sa future?
“Ako, gusto ko future. Kasi past, wala na akong magagawa ro’n e. And it made me into a better person today. Sa future na lang… uy, titingnan ko, maaaksidente yata ako rito kaya hindi na lang ako pupunta. Parang gano’n. Na… ay lolokohin pala ako ng next boyfriend ko, hindi na lang siya. Di ba, gano’n? Para mas may awareness sa future.” RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment