IKINAKASA na naman ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa mga susunod na araw.
Ayon sa ulat, nasa P0.80 hanggang P1.00 ang posibleng ibawas sa presyo ng gasolina.
Maaaring pumalo naman sa P0.75 hanggang P0.90 ang itatapyas sa presyo ng diesel habang halos P1.00 rin sa kerosene.
Mula noong Enero ng kasalukuyang taon, halos P8.00 na ang ini-rollback sa presyo ng diesel at halos P7.00 pesos naman sa gasolina. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment