Sunday, November 23, 2014

Manny Pacquiao didiretsong GenSan ngayong hapon

DIDIRETSO na mamayang hapon sa Gensan ang Team Pacquiao sakay ng dalawang eroplano mula sa Macau.


Ang biyahe ni Pacman ay kinumpirma ni Aquiles Zonio, tagapagsalita ni Pacquiao na ala-1:00 ng hapon aalis ang unang eroplano na lulan ang iba’t ibang grupo na inimbita ni Pacquiao kasama ang mga opisyal sa Sarangani at General Santos, grupo ng media at mga kaibigan.


Alas-2:00 naman ng hapon aalis ang pangalawang eroplano na sinasakyan ng pamilya ni Manny kasama ang malalapit na kaibigan.


Tinatayang alas-4:00 pasado ng hapon lalapag sa Gensan International Airport ang eroplanong sinakyan ng mag-asawang Pacquiao kasama ang kanilang mga anak.


Nalaman kay Zonio na magdamag na nagsagawa ng ‘thanks-giving’ ang buong entourage ni Manny sa loob ng The Venetian Hotel at si Pacquiao mismo ang nanguna kasama ang anim na pastor na kumanta ng Lupang Hinirang.


Matatandaang magpapagawa si Pacquiao ng malaking simbahan sa susunod na taon sa bagong biling lupa na nasa tapat naman ng kanyang hotel sa GenSan.


Samantala, excited na ang mga boxing fans dito sa GenSan at Sarangani sa pagsalubong kay Pacman sa pagdating nito dito sa lungsod.


Una ng sinabi ng LGU-GenSan na katuwang nila ang LGU-Sarangani para sa ibibigay na hero’s welcome sa Pinoy ring icon matapos ang matagumpay na laban nito kontra kay Chris Algieri. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Manny Pacquiao didiretsong GenSan ngayong hapon


No comments:

Post a Comment