KALABOSO ang isang tsuper matapos ituro ng 10-taong gulang na kambal na gumahasa sa kanila sa Sta. Cruz, Maynila.
Nagtungo sa tanggapan ng MPD-Women and Children Protection Unit ang mga biktimang itinago sa pangalang “Gina” at “Mimi” kasama ng kanilang ama na taxi driver at lola upang maghain ng reklamo laban sa kanilang tiyuhin na si Ronaldo Magno, 40, ng no. 2139 Elias St., Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa ama ng bata, kamakailan lang niya nalaman sa mga anak ang pangre-rape sa kanila dahil matagal umanong inilihim ito ng mga biktima at ng kanilang lola at tiyahin sa takot na magpakamatay ang misis ng suspek.
Gayunman, nakapagtago umano ang kanyang bayaw (suspek) at kamakalawa lamang ito lumutang sa lugar kaya agad nitong ipinaaresto sa mga tauhan ng kanilang barangay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang may tatlong taon nang pinagpaparausan ng suspek ang mga biktima kung saan sa terminal ng bus umano ginagawa ang kahalayan habang nakaparada.
Nabatid na mula nang mabunyag ang pangyayari ay hindi na rin nakapag-aral ang dalawa dahil sa mga pagbabanta ng suspek na papatayin niya ang pamilya ng biktima.
“Natatakot kami kung pakakawalan pa siya (suspek) ng mga pulis kasi sabi nila matagal na ang pangyayari at maifa-file lang ang kaso pero hangga’t walang warrant of arrest makakalaya pa. Pano kung ituloy nito, may patayin sa amin bago pa ‘yung warrant of arrest?” anang ama ng mga biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment