Monday, November 24, 2014

P1.2M halaga ng substandard Christmas lights, dinurog ng DTI

UMABOT sa libo-libong substandard na Christmas lights ang dinurog ng Department of Trade and Industry (DTI) gamit ang backhoe.


Tinatayang mahigit 8,000 sets ito na nakumpiska ng ahensya sa iba’t ibang tindahan sa Metro Manila ngayong buwan at nagkakahalaga ng P1.2-milyon.


Pinangunahan nina DTI Secretary Gregory Domingo at Senate Committee on Trade Chairperson Sen. Bam Aquino ang pagwasak sa Christmas lights.


Uncertified o hindi dumaan sa DTI Bureau of Philippine Standards (BPS) ang naturang Christmas lights. Walang Import Commodity Clearance (ICC) sticker ang karamihan sa mga ito habang ang luma o invalid na ang stickers.


Pinapayagan lang ibenta ang Christmas lights na may serial number na 2012 hanggang 2014.


Ayon kay Domingo, kinasuhan na ang mga importer at retailer ng mga iligal na Christmas lights at hindi na papayagang mag-import at magbenta muli dahil kanselado na rin ang ICC certification. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



P1.2M halaga ng substandard Christmas lights, dinurog ng DTI


No comments:

Post a Comment