Monday, November 24, 2014

150 kilong botcha, nakumpiska sa QC

NAPAIYAK ang isa sa limang vendor nang kumpiskahin ng awtoridad ang kanilang itinitindang frozen meat products sa Quezon City kaninang madaling-araw, November 25.


Sinabi ng National Meat Inspection Service (NMIS) na ang 150 kilos ng karne ng baboy na nagkakahalagang P20,000 ay nakumpiska dakong 3 a.m. sa Commonwealth Market sa Commowealth Ave., Q.C.


Isa sa mga vendor na ayaw magpakilala, ang napaluha at sinabi na inutang lamang niya ang naturang karne.


Sa inilatag na pag-inspeksyon, natuklasan na ang naturang karne ay hindi pumasa sa safety standard o hindi fit for human comsumption.


Hindi rin nakalagay sa freezer ang karne kaya malaki ang posibilidad na makontamina ito.


Ayon naman sa may apat pang vendors, walang sapat na espasyo ang kanilang puwesto para maglagay ng freezer.


Isinilid ng NMIS teams ang nakumpiskang karne kabilang ang frozen pork mixed na may fresh meat, sa limang plastic garbage bags, ayon pa sa ulat.


Habang ilan sa mga vendors ang nagsabi na ang kanilang itinitindang karne ay kalalabas pa lamang ng freezer, sinabi naman ng NMIS na ang karne dapat nasa constant temperature.


Inaasahan naman na magpapatuloy ang pag-inspeksyon ng NMIS sa iba pang pampublikong palengke sa mga darating na araw dahil nalalapit na ang kapaskuhan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



150 kilong botcha, nakumpiska sa QC


No comments:

Post a Comment