Monday, November 24, 2014

Mercado, pinagtatakpan ng DoJ — Binay

HINIHINALANG pinagtatakpan umano ng Department of Justice (DoJ) si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na state witness sa kasong plunder laban kay Vice-President Jejomar Binay.


Ito ang binigyang-diin ni Binay, kasunod na rin ng biglaang paglipad ni Mercado patungong Estados Unidos.


Giit ni Binay, hanggang ngayon ay ayaw sabihin ng DoJ ang kinaroroonan ng dating bise-alkalde.


Sinasabing nasa Los Angeles, California si Mercado para bisitahin ang pamilya nito, subalit babalik naman umano ito sa susunod na buwan.


Ayaw namang magkomento ni Justice Secretary Leila de Lima sa sinabi ni Binay, kasabay ng paglilinaw na lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa witness protection ay “confidential.” JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mercado, pinagtatakpan ng DoJ — Binay


No comments:

Post a Comment