Sunday, November 23, 2014

Magsasaka inatake sa panonood ng laban ni Pacman, tigok

INATAKE sa puso ang isang magsasaka habang pinanonood ang laban ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao at former US undefeated boxing champion Chris Algieri sa Macau City.


Ito’y matapos biglang matumba ang biktima na kinilalang si Boyet Baslot, residente ng bayan ng Naawan, Misamis Oriental.


Ayon sa mga nakasamang nanonood ng biktima, masayang-masaya umano ito habang pinanood si Pacman na makailang beses na pinatumba si Algieri.


Subalit paglipas ng ilang minuto ay biglang natumba ang biktima kaya mabilis na dinala sa Naawan District Hospital ngunit ‘di na rin umabot nang buhay.


Inihayag naman ng pulisya na naging payapa habang ginagawa ang laban ni Pacman at Algieri buong araw kahapon sa Hilagang Mindanao. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Magsasaka inatake sa panonood ng laban ni Pacman, tigok


No comments:

Post a Comment