NASA 25 katao ang namatay sa pag-atake sa isang remote community sa Borno state northeastern Nigeria, ang itinuturing na heartland of Islamist group Boko Haram.
Nabatid na noong Sabado pinasok ng pinaghihinalaang miyembro ng Boko Haram ang Doron Baga, hilaga ng Maiduguri, at capital ng Borno.
Matapos pasukin ay pinaulanan nila ng bala ang nasabing lugar na ikinamatay ng 25 katao.
Ayon sa isang residente sa lugar, inambush nila ang mga traders na pumunta sa lugar upang bumili ng isda at tinangay ang mga isdang binili ng 40 traders na kanilang pinatay.
Maaalalang noong Miyerkules lamang ay 45 katao nanaman ang pinatay ng apat na miyembro ng Boko Haram. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment