Monday, November 24, 2014

Garin, iniwasan ng ilang senador sa budget hearing

NAGPAKITA sa budget hearing sa Senado ang kontrobersyal na si acting Health Sec. Janette Garin.


Nabatid na si Garin ay umani ng batikos mula sa ilang senador nang tumungo ito sa Caballo Island para bisitahin ang mga Pinoy peacekeepers na naka-quarantine dahil sa banta ng Ebola virus.


Hindi naka-protective gear si Garin nang pumasok sa VIP section ng gallery ng Senado.


Si Sen. Bongbong Marcos ang unang sumalubong kay Garin, at sinundan ni Sen. Teofisto Guingona at nakipagkwentuhan sa kalihim.


Pero ang mga nagkwestyon sa hakbangin ni Garin na si Sen. Tito Sotto at chairman ng Senate finance committee na si Sen. Chiz Escudero ay kapansin-pansin na hindi lumapit sa kalihim.


Pinanindigan ni Sotto ang naunang pahayag nito na hindi niya lalapitan o kakamayan si Garin nang tumungo sa Senado.


Pero agad nilinaw ni Sotto na kaya sa harapang bahagi ng plenaryo siya tumayo ay hindi dahil sa takot siyang mahawaan ng Ebola virus kundi bilang bahagi aniya ng ancient process ng Senado.


Maging si Escudero ay binati lamang si Garin ng ebola greeting kung saan inilalagay lang ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Garin, iniwasan ng ilang senador sa budget hearing


No comments:

Post a Comment