MATAPOS nating ilathala kahapon ang bulok na istayl ni Gov. Willy Alvarado kaugnay sa “People’s Day” kuno ng Bulacan tuwing Lunes, kaagad na may nagpadala sa atin ng mensahe.
Mr. Burdado, hindi lang tuwing Lunes kami ginagago ni Alvarado, kundi maging sa araw ng Martes ay ang kanya namang “tagahimod” na si Vice Gov. Daniel Fernando ang ginagamit.
Bitbit ang bungkos ng pera (tigbebente pesos) ay pinalilinya kami ni Vice Gov. para ipaabot daw sa amin ang kanyang tulong.
Susmaryosep, parekoy, ganun na ba kadugyot ang turing sa mga Bulakenyo nitong mag-among Gov. Alvarado at Vice Gov. Fernando? Ha?
Na sa halagang bente pesos na kanilang iaabot sa bawat tao ay tulong na pala ito kung kanilang ituring! Hmp!
Uulitin ko, Mr. Alvarado at Mr. Fernando, ang kailangan ng inyong mga kalalawigan ay mga programa o proyekto ng inyong administrasyon kung paano iangat ang kanilang kabuhayan!
Hindi ‘yang ginagawa ninyo na mistulang inilulugmok lalo sila sa kahirapan at aambunan lang ng barya tuwing Lunes at Martes.
Dahil pinagmumukha lang ninyong timawa ang mga taga-Bulacan.
Katunayan, kahit nga balutin pa ninyo ng kabobohan at katangahan ang inyong mga utak, na hindi kayo makapag-isip ng livelihood projects para sa kanila.
Kahit nga hindi na kayo mamigay ng barya tuwing “People’s Day” ng Bulacan. At kahit hindi na kayo rumatrat ng kaepalan ay oks lang sa mga taga-Bulacan.
Basta huwag lang ninyong kurakutin, nakawin o kulimbatin ang kaha ng Bulacan, ay tiyak na magkakaroon ito ng magandang epekto sa kanila at sa kanilang kabuhayan.
Pero kahit araw-araw pa kayong mamudmod ng barya ay wala itong epekto kung patuloy naman silang naghihinala na ang pera ng Bulacan ay walang humpay na kinukurakot!
Ika nga, hindi kailangan na kayo ay magmagandang-loob.
Basta huwag lang kayong manloob! Hak, hak, hak! Pwe!
-o0o-
Patuloy pa rin sa paninibasib sa mga peryahan sa Bulacan ang isang nagpapakilalang Major Dalisay na taga-PSOG ng Camp Alejo Santos.
Lahat daw ng peryante ay dapat mag-“goodwill” muna bago makapag-operate ang mga ito!
Kaya naman sa tuwing masisilayan ng mga peryante itong si Maj. Dalisay ay agad silang nagbubulungan . . . “Ang Berdugo!”
Susmaryosep ka, Major, talaga nga bang may basbas sa iyong opisyal ‘yang pinaggagawa mo? Ha?
Gutom na nga ba sa loob ng Camp Alejo Santos?
Mas maganda sana kung tuluyan ninyong ipatigil ang mga iligalistang ‘yan! Para matigil na ang iligal na sugal sa mga kalsada! BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment