Monday, November 24, 2014

Malakanyang, dinedma lang si Atty. Roque

PINAGMUKHANG tanga ng Malakanyang si Atty. Harry Roque matapos dedmahin ang plano nitong pagsampa ng kaso kay Pangulong Benigno Aquino III sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng Maguindanao massacre.


Sinabi kasi ni Atty. Roque na ang nakikita niyang problema sa usaping ito ay ang mabagal na usad ng kaso ng Maguindanao massacre, ang hindi gumaganang sistemang ligal sa bansa, kawalan ng political will at gross ignorance of the law.


“We won’t comment on Roque’s plans. This issue is not about the President but about ensuring justice for the victims,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.


Sa ulat, sinabi ni Atty. Roque, abogado ng pamilya ng ilang biktima, ang mabagal na usad ng kaso at hindi pa rin pagpapapanagot sa mga pumaslang sa 58 indibidwal kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009.


Aniya, nakipagpulong na sila kay United Nations (UN) Special Rapporteur on Freedom of Expression David Kaye at kinatigan aniya nito ang posisyon nilang may pananagutan ang Pangulo.


“Sumang-ayon naman po si UN Special Rapporteur Kaye na meron talagang pananagutan ang mga presidente kapag hindi naparusahan sa lalong mabilis na panahon ‘yung mga pumapatay sa ating lipunan. At ito ngang Maguindanao massacre, mas karumal-dumal ito dahil hindi lang pinaslang ang karapatang mabuhay ng mga biktima, pinaslang din ‘yung karapatan ng malayang pamamahayag,” anito.


Sang-ayon din anya sa Rome Statute ng ICC ang ikinakasa nilang hakbang.


“Ang presidente, may obligasyon hindi lang mag-imbestiga kundi maglitis at magparusa doon sa mga pumapatay sa lipunan na hindi nga nangyayari sa ating bayan dahil ang ating conviction rate ay napakaliit, 1%.Ang ehekutibo walang ginawa kundi maghugas-kamay at sasabihin nila, nasa korte na ‘yan… E, hindi naman nila nalalaman na ito’y isang joint task dahil ang naglilitis naman ay ehekutibo, ang tumatanggap ng ebidensya ay ang hudikatura. Kailangan talaga nagtutulong-tulungan,” ang paghihimutok ni Atty. Roque.


Walang ibinigay na petsa si Roque kung kailan ihahain ang kaso laban kay Aquino sa ICC.


Uunahin aniya nila ang pagpapadala ng final demand letter sa pamahalaan para gawin pa nito ang lahat upang magkaroon ng conviction sa kaso pero handa na aniya ang reklamo ngayong Nobyembre.


Binigyang-diin nito na, “Ang tanging depensa ng presidente ay magkakaroon ng conviction, e, ‘di mabuti po ‘yun ‘pag nagkaroon ng conviction. Pero sa’kin, hindi talaga katanggap-tanggap na parang walang pakialam ang presidente, walang pakialam ang ating sistemang ligal sa dami ng napapatay sa ating lipunan at wala pong napaparusahan.” KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, dinedma lang si Atty. Roque


No comments:

Post a Comment