HININGI ng Sandiganbayan ang mas mahabang oras para desisyunan nito ang hirit na bail petition ni Senador Bong Revilla, Jr.
Ayon sa Sandiganbayan, imposibleng mailabas nito ang desisyon dahil sa dami ng mga witnesses at mga dokumentong kailangang i-review.
Dahil dito, humirit ng 10-araw na extension ang korte mula sa 2-araw lamang na ibinigay ng Korte Suprema.
Nahaharap si Revilla sa kasong plunder isang non-bailable offense dahil sa pagkakaugnay sa pork barrel fund scam. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment