NASAKOTE ang isang manyak na lalaki na nagtangkang gumahasa sa isang 23-anyos na dalaga nang manlaban ang biktima sa Bgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Ronald Endaya, 32, residente ng Sariaya, Quezon.
Napag-alamang habang nagluluto ang biktima ay bigla na lang pumasok si Endaya at kinaladkad ang biktima papasok sa comfort room.
Sinimulan ng alisin ng suspek ang mga damit ng biktima at sinubukan ng gahasain.
Subalit, nagpumiglas ang biktima hanggang sa makawala ito sa pagkakahawak ng suspek at agad na tumakbo palabas para humingi ng tulong.
Agad namang rumesponde ang mga pulis dahilan para mahuli ang suspek na sa ngayon’y nasa kustodiya na ng mga pulis para sa karampatang kaso. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment