Sunday, November 23, 2014

Cotabato bomb explosion, 2 lagas, 25 sugatan

DALAWA ang lagas habang mahigit 25 naman ang sugatan nang sumabog ang isang bomba sa M’lang, North Cotabato, nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 24.


Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division information officer Major Jo-Ann Petinglay, na ang dalawang kaswalidad ay nakilalang sina Jade Villarin at John Camiring.


Isinugod naman sa iba’t ibang ospital sa kalapit na probinsya ang mga sugatan sanhi ng tinamong shrapnels sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Kinilala ang mga sugatan na sina John Ramirez, Lorelyn Catinoy, Apolinario Igot, Nelson Baliguat, Francis Rio, Ian Cris Quintinita, Marjon Billones, Kenneth Garcia, Joemar Bases, Ruth Billones, Amar Patad, Beverly Brazilinio, Mike Laba, Solimar Baligasa, Rex Javier, Ruel Sales, Ali Aguirre, Aldrin Natal, Erickson Brazilinio, Aldrin Cadungon, Ericka Brazilinio, 22, Erica Mae Jacilenyo, Thelma Ceballos at Ryan Ignacio.


Isa naman sa mga nasugatan ay wala pang pagkakakilanlan.


Ayon sa ulat, sumabog ang bomba dakong 7:30 p.m. sa tapat ng isang restaurant sa city plaza.


Inaasahan naman ng awtoridad ang pagdami ng kaswalidad dahil maraming tao sa lugar dahil sa pagdiriwang ng Kawayan festival.


Nito lamang nakaraang linggo, isang bomba din ang sumabog sa isang eskwelahan sa Kabacan town na ikinamatay ng isang babaeng estudyante at ikinasugat ng 16.


Isinisisi ng awtoridad ang pag-atake sa radical Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Cotabato bomb explosion, 2 lagas, 25 sugatan


No comments:

Post a Comment