IPINAHAYAG ng Department of Health (DoH) na paghandaang mabuti ang mga Christmas shopping, party at iba pang aktibidad para sa holiday season.
Ayon kay DoH Spokesman, Dr. Lyndon Lee-Suy, ito’y dahil lumalabas sa maraming pag-aaral na nakaaapekto sa kalusugan ang kaliwa’t kanang Christmas activities.
Posibleng makaranas ng stress, heart disease, obesity, high blood pressure at diabetes kung hindi ipapahinga ang katawan dahil sa mga aktibidad para sa holiday season.
Dagdag ng DoH, mas mabuting magpahinga pagtapos ng isang aktbidad at huwag pagsabay-sabayin ang mga ito.
Nakadaragdag din sa stress kapag holiday season ang pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo’t inaasahang darami pa ang mga shopper na daragsa sa iba’t ibang mall habang papalapit ang Pasko. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment