Monday, November 24, 2014

Chalk allowances ng mga guro, iaangat sa 2015 – Recto

SISIMULAN na sa susunod na taon ang pagtataas sa chalk allowances ng mga guro.


Ayon kay Senate President Pro-tempore Ralph Recto, mula sa kasalukuyang P1,000 chalk allowance kada taon, tataas na ito ng P1,500.


Giit ni Recto, bagama’t malayo ito sa P3,000 proposed chalk allowance, magandang balita na rin ito dahil kung tutuusin tumaas ito ng 50%.


Ginagamit ang chalk allowances ng mga guro sa pagbili ng chalk, pen, erasers, cartolinas at iba pang school supplies.


Una nang inirekomenda ni Recto na maglaan ng P1.021-bilyon sa 2015 budget para sa teaching supplies allowance.


Base sa talaan ng Department of Education (DepEd), aabot sa mahigit 680,000 na public kindergarten, elementary at high school teachers ang makikinabang sa chalk allowance. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Chalk allowances ng mga guro, iaangat sa 2015 – Recto


No comments:

Post a Comment