Monday, November 24, 2014

7 Vietnamese sa Palawan, timbog sa illegal fishing

TIMBOG ang pitong Vietnamese poachers matapos mahuling iligal na nangingisdsa sa karagatang sakop ng Quezon, Palawan.


Naaktuhan sa joint operation ng Coast Guard, Naval Forces West at BFAR ang isang bangkang sakay ang mga naturang Vietnamese sa Alungan Point.


Nagpatay pa umano ng ilaw ang bangka at nakipaghabulan sa loob ng halos 30-minuto, subalit kusa ring sumuko ang mga sakay ng bangka na inakalang mga Pinoy pero nabistong mga dayuhan ng hindi makaintindi ng Tagalog o Ingles.


Sakay rin ng bangka ang siyam na yellow fin tuna samantalang nai-turnover na sa BFAR ang mga Vietnamese habang inaayos ang mga papeles nito para makasuhan.


Samantala, pinagmumulta ng korte sa Palawan ang siyam na Chinese poachers na nanguha ng sea turtles sa Half Moon Shoal noong Mayo.


Tig-P4.5 million ang multa ng mga naturang mangingisdang Tsino matapos hatulang guilty ni Judge Ambrosio de Luna sa tatlong buwang paglilitis sa mga ito.


Makukulong ng 6-buwan ang mga Chinese fishermen kapag nabigong magbayad ng multa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



7 Vietnamese sa Palawan, timbog sa illegal fishing


No comments:

Post a Comment