Monday, November 24, 2014

Bahay inararo ng trak sa Antipolo, 7 sugatan

NASUGATAN ang pitong residente nang araruhin ng 14-wheeler truck ang kanilang bahay sa Antipolo City.


Muntik nang mahulog sa bangin ang truck matapos mawalan ng kontrol ang driver nito habang binabaybay ang paibabang bahagi ng Sumulong Highway sa naturang lungsod.


Ayon sa Antipolo City Risk Reduction and Management Office, ang insidente’y naganap nang masagi ng trak sa isang KIA Sorrento bago sinuyod ang isang bahay sa Bgy. Mambogan at sumalpok sa malaking puno na nasa gilid ng bangin.


Pito ang nasugatan sa insidente kabilang ang limang magkakamag-anak na nasa loob ng nawasak na bahay.


Kasama rin sa nasugatan ang driver at pahinante ng trak na halos dalawang oras ding naipit matapos mapitpit ang unahang bahagi ng sasakyan.


Ginagamot ang mga nasugatan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahay inararo ng trak sa Antipolo, 7 sugatan


No comments:

Post a Comment