DALAWA ang patay sa isinagawang raid ng mga pulis sa Bgy. Talon Singko, Las Piñas City.
Ayon kay Las Piñas Police Chief Boyet Samala, alas-6:00 ng umaga nang puntahan ng awtoridad ang target na bahay para sana magsilbi ng search warrant, pero agad sinalubong ng putok ng baril ang mga pulis.
Sa pagsiklab ng barilan, napuruhan ang suspek na si Mandy Sulayman Abubakar. Naisugod pa ito sa ospital, pati ang isang hindi nakilalang kasamahan, pero kapwa binawian din ng buhay.
Narekober naman ng mga pulis sa sinalakay na bahay ang ilang armas kabilang ang dalawang kalibre .45 na baril, isang kalibre .22, isang .38 revolver, isang 9MM pistol, isang hand grenade at mga bala.
May nakuha pang isang kilo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at limang digital weighing scale.
Ayon kay Samala, ikinasa nila ang pagsalakay matapos makatanggap ng report na maraming armas sa naturang bahay. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment