PASUQUIN, ILOCOS NORTE – Isang anim na taong gulang na lalaki ang namatay dahil sa dengue sa Pasuquin sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ama ng bata, tatlong araw na itong nilalagnat saka lang nila isinugod sa ospital.
Sa report, nakaranas ng pananakit ng tuhod at tiyan at mataas na lagnat ang bata.
Ayon sa medical experts, ang sitwasyon ng bata ay lalong lumala kaya nilipat nila sa mas malaking ospital ngunit binawian din ito ng buhay.
Pangalawa na ang bata sa mga namatay sa dengue sa Ilocos Norte kung saan may 800 na kaso ng nasabing sakit ang naitala mula Enero.
Sinabihan ng local health officials na maglinis ng bakuran ang mga residente upang mapuksa ang nakamamatay na sakit. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment