HEADLINE sa mga balita ngayon ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na inisip niya na maghiganti sa dinanas niya at ng kanyang buong pamilya sa ilalim ng kamay ng diktador na si Marcos.
Pumunta sa ibang bansa si PNoy at nangalap ng suporta mula sa mga negosyante para mag-invest sa Pilipinas.
Nataon na nandoon siya nang sumapit ang Sept 21 – ang petsa ng pagdeklara ni Marcos ng Martial Law maraming taon na ang nakalilipas.
Hindi naiwasan na matanong si PNoy tungkol sa Martial Law at nagkwento siya ng malagim na panahon sa ilalim ng diktador.
Tao rin lang si PNoy, baka nalilimutan ng iba na hindi nalalayo ang damdamin niya sa damdamin natin.
Nasasaktan, nakaaalala at nalulungkot.
Noong sinabi niya na ginusto niyang gumanti sa masamang naranasan nila noong panahon ni Marcos, tao lang din naman siya kasi.
Sa pagdalaw ni Noynoy sa Amerika, dumaan siya sa Boston.
Sa lugar na ito sila huling nagsama ng kanyang pamilya na buo pa sila at wala pang kulang.
Sa Boston sa Amerika sila tumira bago napaslang ang kanyang ama, ang bayaning si Ninoy.
Maging ang kanyang kapatid na si Kris ay nagsabi na sa Boston niya naranasan ang pinakamasayang tatlong taon ng kanyang buhay dahil sa loob ng panahong iyon ay kumpleto sila bilang pamilya.
Bilang isang tao, alam natin ang naramdaman ni PNoy nitong dumalaw siya sa dating bahay nila sa Boston, USA.
Maaari nating masabi na nostalgic siya, naisip niya siguro ang karanasan nila roon, naalala ang kanyang mga magulang na pareho nang namayapa at naalala ang masasayang araw nila sa bahay nilang ito sa Amerika.
Politikal ang lahat ng itinanong kay PNoy tungkol sa pag-alala sa deklarasyon ng Martial Law at hindi maiaalis na politikal din ang kanyang sagot.
Pero alam nating lahat na personal ang lahat ng mga pangyayaring ito para sa ating Pangulo.
Sa araw ng paggunita ng bansa ng Martial Law, tao lang si PNoy para maalala ang personal niyang karanasan tungkol dito, maging maganda man o masakit pa.
o0o
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment