Friday, September 26, 2014

KAMING MGA NEGA…

NAGYABANG na naman si Don Benigno Aquino III sa pagdalaw niya sa Germany.


Ipinagduldulan niya ang maganda raw niyang nagawa sa bansa at mamamayan. Alam kaya niya na marami ang nasusuka habang nagtatalumpati siya ng kayabangan?


Hindi bobo ang mga Aleman. Lalong hindi bobo ang mga Filipino na naroon bilang residente o manggagawa (OFW). Sadya lang magalang ang mga nakikinig sa iyong litanya ng pambobola.


Gaano na ba kaunlad ang bansa sapul nang maupo ka? O baka naman ang gusto mong ipamukha sa iyong biyahe sa Europe at Amerika ay ang kakaibang pagyaman ninyo, ng pamilya at mga alipores.


As usual, ginawa na naman niyang sangkalan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ikinabit niya si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Ipinagduldulan niya na ang malaking kasalanan daw ay ang hindi pagdeklara ni Corona sa kanyang yaman at pag-aari sa Statement of Assets, Liabilities and Networth.


Noynoy, mag-isip ka naman ng tama at magsabi ng totoo kahit minsan sa iyong saykotik ng pamumuhay. Habang dinirinig ang kaso ni SCCJ Corona sa Impeachment Court, halos lahat ng iyong binayaran, kakampi o kaalyado ay ayaw magbigay ng kanilang SALN, hanggang ngayon!


Si Niel Tupas na saksakan ng hangin, nangako pa sa media na anytime pwedeng kunin sa kanya. Pero nang magtungo roon ang tropa na tinawag mong ngayon na NEGA, ayaw niya?


At ngayon, ang kakutsaba mo, si PNP Cheap Alan Purisima, ayaw ring magbigay ng kanyang SALN, lalo na ngayong nabuko ang kanyang mga kuwestyunableng yaman. Ilang beses ka na bang nagpunta sa kanyang mansion sa San Leonardo, Nueva Ecija?


NEGA naman ang inuso ni BOY SISI Aquino sa kanyang mga kritiko. Kesyo kritisismo at batikos daw ang araw-araw niyang almusal, tanghalian, hapunan at may midnight snack pa!


Sa totoo lang Mr. Aquino, kulang pa ‘yang mga litanya ng iyong paninisi sa aming mga NEGA. ‘Yung ginawa mo na panlalait sa mga pinatay na mediaman, mortal na kasalanan ang ginawa mong iyon.


Kung kayo kaya ang patayin ng mga taong pinabayaan ninyo. Sila ‘yung mga nasalanta ng bagyo’t lindol. Kung patayin kaya kayo ng mga negosyante na kinikilan ng mga tauhan ninyo? Kung kayo ay tigbakin dahil sa inyong paglaspag sa pera ng taumbayan mula sa PDAF, DAP at Malampaya Fund?


Sino ngayon ang dapat sisihin at kagalitan? Kami ba na mga sinabi mong NEGA o ang KORAP MONG REHIMEN? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



KAMING MGA NEGA…


No comments:

Post a Comment