Friday, September 26, 2014

Sana’y maganda ang resulta sa pag-aaral ng acting sa abroad

HUMINGI ng paumanhin ang kasamahan sa panulat na si Benjie Felipe sa ‘di pagharap ng news anchor ng Kapatid network na si Erwin Tulfo sa ilang manunulat kamakailan.


Nagkaroon kasi ng development ang isang kaso na tinututukan ni Erwin sa kanyang radio program na live rin napanonood sa cable channel ng Singko na “Punto Asintado” araw-araw mula alas-8 hanggang alas-10.


Ganoon daw talaga mag-asikaso ng ‘kaso’ nang mga taong humihingi ng tulong kay Erwin. Siya mismo ang humaharap, tumututok at nag-aayos. Hindi niya basta ipinagkakatiwala sa iba.


Si Erwin daw kasi ang klase ng news person sa TV may sariling balita na siya mismo ang umaalam at ‘nakikiaalam’ kapag kailangan. Hindi siya tulad ng iba na tagabasa lang ng balita sa TV.


Na-ishare nga ni Benjie sa amin na gumigising daw ng maaga si Erwin at naglalaan ng ilang oras sa pagbasa ng mahigit kumulang na 40-newspapers na meron siya sa bahay araw-araw. Kaya alam ni Erwin lahat ng balita sa araw na ‘yun. At doon nakikita niya ang ilang news item na ‘di masyadong napapansin ng ibang news reporter sa TV, saka niya aalamin ang buong kwento at personal pang sasadyain ‘yung lugar ng pinagganapan ng balita para magbigay ng update.


No wonder, matalas pa rin kung magbigay ng kanyang opinion itong si Erwin sa mga programa niya. E, kasi nga alam niya ang balita and in fairness, ang laking tulong ng programa ni Erwin kasama ang kanyang mga kapatid na sina Ben at Raffy Tulfo na “T3” sa mga kababayan natin.


Bukod sa “Punto Asintado” at “T3” na mapapanood from 12 to 12:30 p.m. everyday, ang isa pa’ng programa ni Erwin sa TV5 ay ang news programa na “Aksyon” kasama si Luchi Cruz Valdez mula 6:30 hanggang 7:30 gabi-gabi.


-ooOoo-


Wish na namin na maging maganda ang resulta ng pag-alis ni Jake Cuenca ng Pilipinas para kumuha ng intensive acting workshop sa New York. Sana pagbalik niya ay maging mas mahusay pa siyang aktor kesa rati. Seryoso kasing talaga si Jake sa kanyang profession bilang aktor.


Isang buwan mawawala sa Pinas si Jake ay mabuti na lang napanood pa muna sa isang madramang episode sa “Maalaala Mo Kaya” last Saturday (September 20). Tampok na artista si Jake sa family drama episode ng “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN kung saan binigyang buhay niya ang karakter ni Igge.


Isang ulirang anak ang role ni Jake na hindi itinuring na iba ang mga anak ng kanyang nanay sa ibang lalaki. Sa labis na pagiging mapagmahal sa pamilya, nagsilbi siyang ama sa kanyang mga kapatid matapos pumanaw ang kanilang ina.


Kasama ni Jake sa naturang episode sa MMK sina John Manalo, Louise Abuel, Meg Imperial, Angelo Ilagan, Assunta de Rossi, Christopher Roxas, Juan Rodrigo, Lui Villaruz, Yna Estrada, Angeli Gonzales, at Junjun Quintana. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Benson Logronio at Arah Jell Badayos.


Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sana’y maganda ang resulta sa pag-aaral ng acting sa abroad


No comments:

Post a Comment