Friday, September 26, 2014

Hindi pangkaraniwang kwento na sobrang predictable

NATUTUWA si Dennis Trillo na maganda ang feedback sa bagong primetime series ng GMA 7 na Hiram Na Alaala kung saan bida nga silang tatlo nina Kris Bernal at Rocco Nacino.


“Sa ngayon, ang tini-taping na namin na part ay ‘yong puro mga giyera. Puro physical,” aniya.


“Last time na nag-taping kami, nakagapos kami pareho ni Rocco. Mahigpit talaga. Kasi ano, e… vital ‘yong eksena na ‘yon para ro’n sa major part ng kwento kaya talagang kina-career namin.


“Masyadong physical kasi mga totoong baril ‘yong ginagamit namin pero ‘yúng mga bala, blank.


“So… nakaka-excite. Kami ni Rocco, fan kami ng mga action films. Marami sabugan do’n sa mga eksena. Pero of course, isang part lang giyera na ‘yon. Napakaganda nang kwento ng Hiram Na Alaala. Hindi siya ‘yong pangkaraniwang kuwento na sobrang predictable at malalaman mo ‘yong mga susunod na magaganap.


“Meron ngang isang eksena kaming kinunan na nagpapaalam sa isa’t isa sina Kris at Rocco. Tapos ako nando’n na sa loob ng helicopter. Si Rocco nasa helicopter na rin tapos si Kris nando’n sa ibaba. Nagpapaalaman sila. After no’n, kunyari lilipad ‘yong helicopter. Hindi namin alam na talagang magti-take off siya at ipa-park na pala.


“Na… hindi kami naka-harness. E, walang pintuan ‘yong helicopter, e. So kapag lumiliko siya talagang mahuhulog ka kung hindi mo alam na lilipad na. Dahil hindi kami naka-strap do’n sa loob. Talagang nagulat kami na lumipad na ‘yong helicopter. Kasi delikado.”


Kapuso Drama King na ang bansag ngayon kay Dennis. Ano ang reaksyon niya?


“Gano’n ba?” muling nangiting sambit ng actor.


“Ayos ‘yon. Kung gano’n ang ibinibigay nila. Pero para sa akin, ano naman, e… hindi importante sa akin ‘yong mga title-title. Ang importante ‘yong meron kang napatutunayan para back-upan ‘yong title na ‘yon. Di ba?” sabi pa ng aktor.


*******


Maayos na ang kondisyon ngayon ni Lorna Tolentino. Nag-a-undergo ng therapy ngayon ang aktres matapos ma-injure ang bandang ibaba ng spine nito nang aksidenteng madulas a couple of weeks ago.


“Siguro mga one or two months, okey na siya ulit,” sabi ng anak niyang si Renz Fernandez.


“Naka-brace siya ngayon pero nakakalakad naman siya. Thank God na hindi siya naoperahan. Hindi umabot na kakailanganig operahan ang likod niya. Tulong-tulong kami sa pag-aalaga sa kanya. Feeling ko nga, pwede na akong pumasang nurse!” nangiting sabi pa ni Renz.


“Gumagaling na ako sa pag-aalaga. Kapag umaga, nilulutuan ko siya ng oatmeal. Ngayon nagri-rehab siya. Nagpi-physical therapy, gano’n.”


Loveless pa rin daw hanggang ngayon si Renz. Matagal na rin siyang walang girlfriend.


“Isang taon na nga yata, e!” sabay ngiti ulit ng aktor.


“Trabaho lang muna ngayon pero ang dami kong crush. Kaya lang, may mga boyfriend lahat, e!” tawa na naman niya.


Sobrang pihikan yata siya sa pagpili ng bagong magiging girlfriend?


“Hindi. Kaya lang… kung meron nga akong mga nagiging crush, may mga ano na, e. Hindi talaga nakatadhana, e.”


‘Yong mga friends niya, wala bang inirereto na maka-date o maligawan niya?


“Minsan, meron. Okey rin naman pero pakiramdam ko kasi, hindi pa talaga dumarating ‘yong tamang babae, e. And… sabi nga, hindi naman hinahanap ‘yan. Hinihintay lang.


“Sa ngayon, puro crush. Marami nga akong crush.


“Kaya lang may mga boyfriend na nga sila, e. Like si Solenn (Heusaff) crush na crush ko. Si Marian (Rivera) na… ikakasal na. Si Heart (Evangelista) din… ikakasal na. E… sa ngayon, wala sa panliligaw ang interes ko. Focused muna sa trabaho.”


Nagsimula nang mag-taping si renz para sa remake ng seryeng Yagit na very soon ay mapapanood sa GMA 7. “Pulis ang character ko rito. Ito ‘yong dating role ni Direk Rowell Santiago. Magiging close ako sa apat na batang yagit. Mag-i-intertwine ‘yong mga destinies namin.” RUB IT IN/RUBRN MARASIGAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi pangkaraniwang kwento na sobrang predictable


No comments:

Post a Comment