KUNG tayo ang tatanungin, parekoy, sakaling maibalik ang parusang bitay, unahing isalang sa bitayan ang mga pinuno ng bansa na sobra na ang pagnanakaw sa salaping-bayan.
‘Di ba nasa 180 kongresman ang nakinabang sa Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program noong kasagsagan ng impeachment ni ex-Chief Justice Renato Corona?
At mabibilang lang sa daliri naman ang hindi nagkaroon ng PDAF at DAP bilang insentibo sa Senado kaugnay pa rin ng nasabing kasong impeachment?
At batay sa lumalabas na awayan sa pork barrel na may iba nang ngalan ngayon, nakararami pa rin ang umaasang makakikbak sa susunod na taon.
Kasalukuyang pinag-aawayan ang kikbak o bagong bihis na pork barrel para sa pambansang badyet sa susunod na taon o 2015.
At tila oki pa rin ang Palasyo na magpatuloy ito dahil preparasyon nga naman ito sa halalang 2016.
Kailangan ng Palasyo ang alalay ng nakararami mula sa Kamara at Senado para matiyak ang panalo ng mga kandidato nito sa 2016.
Ibig-sabihin niyan, tuloy-tuloy ang ligaya ng mga kawatan sa pamahalaan.
Kung magpapatuloy ang nakawan sa gobyerno, parekoy, ibig-sabihin niyan na pwedeng-pwede na bitayin ang mga ugok na opisyal ng pamahalaan.
Makalibre man sila sa bitay sa kanilang mga nakaraang pagnanakaw dahil bawal sa Konstitusyon ang paglalapat ng ganitong batas para sa nakaraang krimen, pupwede na silang kalawitin sa kanilang krimen makaraang maibalik ang batas sa bitay.
Para maliwanag, parekoy, kung wala lang sanang mga kawatan sa pamahalaan at maibuhos ang pondo para talaga sa kapakanan ng mga mamamayan, malaki ang ibabawas ng mga krimeng kagaya ng pagnanakaw sa iba’t ibang anyo.
Ito’y dahil sa malaki ang ibabawas ng kahirapan ng mga mamamayan na nagtutulak sa kanila ng umagaw ng ari-arian ng iba hanggang sa maituring silang mga kriminal.
Marami rin ang nakapag-aral at nagkaroon ng magandang trabaho at hanapbuhay at hindi sila mabubuhay sa pamemerwisyo sa iba, kait sa kapwa nila kapos sa buhay. BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment