Friday, September 26, 2014

4 police generals, posibleng maging acting PNP chief

KUNG sakaling mag–file ng leave of absence, apat na police generals ang posibleng ipapalit sa puwesto ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima.


Sa report, posibleng sina Police Deputy Director General Felipe Rojas, PDDG Leonardo Espina at PDDG Marcelo Garbo ang pwedeng pumalit kay Purisima bilang acting chief PNP.


Si Rojas na kasalukuyang Deputy Director for Administration at No. 2 man sa PNP ay nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre.


Si Espina naman, na ang Deputy Director for Operations ay magreretiro sa Marso 2015.


Dahil sa wala ng isang taon sina Rojas at Espina sa police service, malabo na sila ang ma-appoint na chief PNP.


Habang si Garbo, na kasalukuyang hepe ng Directorial Staff at nakatakdang magretiro sa Marso 2016 ay pwede pang maging chief PNP pero depende pa itong kung itatalaga siya ng Pangulong Noynoy Aquino.


Samantala, bukod sa tatlong heneral, matunog din ang pangalan ni PRO-3 regional director sa Central Luzon si C/Supt. Raul Petrasanta bilang kapalit ni Purisima.


Sa kabilang dako, tumanggi nang magbigay ng komento si PNP PIO, C/Supt. Reuben Theodore Sindac hinggil sa nasabing usapin.


Sinabi ng heneral, mas mabuting hintayin na lamang ang pagbabalik-bansa ni Purisima dahil ito lamang ang tanging makakasagot sa lahat ng mga isyung ipinupukol laban sa kanya. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



4 police generals, posibleng maging acting PNP chief


No comments:

Post a Comment