Thursday, September 25, 2014

Lola sa Iloilo, natangayan ng P100k ng ‘budol-budol’

LABIS ang pagsisisi ng 60-anyos na babae matapos magtiwala sa mga miyembro ng budol-budol gang.


Nakilala ang biktimang si Nelia Jaspe, ng Guimaras, na kawi-withdraw lang ng P100,000.00.


Nilapitan umano siya ng isang babaeng mukhang Indonesian national at nagpatulong kung saan makakabili ng pesticide sa Valeria St., Iloilo City.


Hindi naman tumanggi ang biktima at habang naglalakad sila ng babae, isang sasakyan ang huminto sa kanilang tabi at nag-alok rin ng tulong.


Habang nag-uusap, nakumbinsi ng mga ito ang biktima na ilagay ang kanyang dalang pera sa isang bag kasama ang ipinakita ring pera ng mga suspek.


Nang pumayag ang biktima, nilagyan pa ng kandado ang bag at pinahawakan sa biktima at sinabihan itong hintayin sila subalit hindi ito nagsibalikan.


Nang buksan ng matanda ang bag, tumambad sa kanya ang mga papel at parang bulang naglaho ang kanyang pera. Naisip niya maya-maya na nabiktima siya ng budol-budol gang. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Lola sa Iloilo, natangayan ng P100k ng ‘budol-budol’


No comments:

Post a Comment