TULALA pa at hindi makausap nang matino ang isang dalaga matapos umanong makatakas sa mga kidnapper na nagdala sa kanya sa Batangas mula Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Maribel Broncano, 19, ng Bgy. Calauag sa Naga.
Sa kwento ng ina ng biktima, pauwi na sana ito noong Sabado ng madaling-araw ng may humintong sasakyang tapat niya at puwesahan siyang isinakay dito.
Pumalag pa ang biktima ngunit sinuntok siya sa tiyan kaya nanghina at tuluyang mawalan ng malay.
Nagising na lamang ang biktima na nasa ibang lugar na sila at nang ililipat na sana siya sa ibang sasakyan ay nagawa niyang makatakas.
Isang mag-asawa ang tumulong sa biktima at dinala siya sa presinto sa Batangas.
Inihatid noong Linggo ang biktima ng PNP-Batangas at ng mga kawani ng NCPO station 3 sa lugar nito.
Maliban daw sa kanya ay mayroon pa umanong dalawang babae sa loob ng sasakyan na nakatali ang mga kamay at may busal ang bibig.
Posibleng mga sindikato o modus umano ang pagkidnap sa biktima upang ibenta ito. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment