Thursday, September 25, 2014

1,000 fighters mula Asya umanib sa ISIS

TINATAYANG nasa 1,000 mga foreign fighters mula sa Asia Pacific region ang umanib na sa militanteng ISIS.


Ito ang inihayag ni US forces commander in Asia-Pacific Admiral Samuel Locklear.


Ayon kay Locklear, isa ito sa usapin na kanilang tinututukan sa ngayon dahil hindi malayong madagdagan pa ang nasabing bilang.


Una nang napaulat na ilan sa mga foreign fighters na sumali sa ISIS ay mga Pinoy.


Nabatid na pinagtibay na sa United Nations ang resolusyon na inoobliga ang lahat na bansa na pigilan ang pagdami ng foreign fighters na sumasali sa nasabing jihadist group. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1,000 fighters mula Asya umanib sa ISIS


No comments:

Post a Comment