UMARANGKADA na ang tatlong ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng ‘lifestyle check’ sa mga miyembro ng Phillippine National Police (PNP).
Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, ang pagsasanib-pwersa ng tatlong ahensya ay para mapalakas pa ang patakaran sa isinagawang imbestigasyon sa mga kasong inihahain laban sa kapulisan kasama ang mga ranking official at maging objective, hindi subjective at maging credible ang resulta ng kanilang pagsisiyasat.
Sinabi ng kalihim na sa susunod na dalawang linggo ay ilalabas na ng Office of the Ombudsman ang kanilang rekomendasyon na maaring gamitin at idagdag ng National Police Commission (Napolcom) sa patakaran na ipatutupad sa lifestyle check ng mga kwestyonableng yaman ng mga pulis.
Makakatuwang ng Napolcom ang BIR sa lahat ng programa hinggil sa lifestyle check para makita ang accountability ng mga pulis batay sa pinirmahang Statement of Assets Liability and Networh (SALN).
Inihayag din ni Roxas na kailangan pang pagtibayin sa pamamagitan ng memorandum circular ang gagawing ugnayan sa BIR, Ombudsman at DILG para sa lifestyle check.
Sa ngayon, lalo pang pinalalakas ng Napolcom ang mga patakaran nito bago ang full implementation ng lifestyle check sa mga tiwaling pulis. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment