Thursday, September 25, 2014

2 bihag ng Abu Sayyaf pinaubaya na sa awtoridad

IPINAUBYA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad ang banta ng Abu Sayyaf na pupugutan ng ulo ang dalawang German national na kanilang bihag kung hindi maibibigay ng Berlin ang hinihinging ransom na P250-million.


Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, trabaho ng mga alagad ng batas ang paghabol sa mga bandidong Abu Sayyaf.


Hindi rin umano nakikipag-ugnayan ang DFA sa German embassy at hindi rin nito alam kung nakikipagtulungan na ang diplomatic mission ng Berlin sa Philippine National Police (PNP) o sa Armed Forces of the Philippines (AFP).


Nabatid na kumalat sa internet ang larawan na inilabas ng Abu Sayyaf na nagbabanta na pupugutan ng ulo ang dalawang bihag kung hindi maibigay ang ransom at kung hindi umatras ng suporta ang Germany sa US led airstrikes laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 bihag ng Abu Sayyaf pinaubaya na sa awtoridad


No comments:

Post a Comment