Saturday, August 2, 2014

UPDATE: Typhoon Jose, lumakas pa

LUMAKAS pang lalo ang bagyong “Jose” habang binabagtas ang karagatan sa silangan ng bansa.


Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kph.


Napanatili rin nito ang kanyang bilis sa 11 kph at kumikilos ng pa-kanluran hilagang-kanluran.


Alas-9:00 ng Linggo ng umaga nang huling namataan ang bagyo sa layong 1,110 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.


Sabado ng gabi nang pumasok ito sa PH area of responsibility (PAR).


Hindi ito inaasahang magla-landfall sa Pilipinas ngunit mas lalapit pa ito sa bansa sa Martes.


Sinabi ni PAGASA weather forecaster Jun Galang, bagama’t lumakas si “Jose” nananatili naman itong walang epekto sa bansa.


Gayunmpaman, palalakasin pa rin nito ang southwestmonsoon o Habagat.


Ang Habagat ang nagpapaulan ngayon sa bahagi ng bansa kung saan sa Zambales at Bataan, inaalerto ang mga residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.


Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay makakaasa pa rin ng paminsan-minsang pag-ulan.


Mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman sa Visayas at Caraga.


May gale warning pa rin sa seaboards ng Northern at Central Luzon. Pinapaalalahanan ang mga mangingisda at may maliit na sasakyang pangisda na iwasang pumalaot. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Typhoon Jose, lumakas pa


No comments:

Post a Comment