Saturday, August 2, 2014

OFW nag-resign para makauwi sa Pinas dahil sa Ebola

DAHIL sa pagkalat ng Ebola virus, nag-resign ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa West Africa para lamang makauwi sa Pilipinas.


Ayon kay Louel Ortizo, isang mechanical engineer sa isang powerplant sa Nigeria, gusto niyang bumalik sa Pilipinas dahil nababahala ito sa pagkalat ng virus.


Sinabi pa nito na tumulong ang kompanya na pinaglilingkuran nito para lang maiproseso niya ang kanyang papeles pauwi sa bansa.


Wala naman naitulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang mga OFW’s doon.


Dagdag pa niya, maaari pa silang makabalik uli sa kumpanya kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon doon.


Samantala, todo-ingat ngayon ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Sierra Leone at Liberia dahil sa pangamba sa Ebola virus. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW nag-resign para makauwi sa Pinas dahil sa Ebola


No comments:

Post a Comment