ANIM na flights ang kinansela kaninang umaga, Agosto 3, kabilang ang isang International flight bunsod ng masamang panahon na dulot ng supertyphoon Jose.
Sinabi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ang pagkansela sa nasabing paglipad ng mga eroplano ay sanhi ng bagyo na may International name na Halong.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing monsoon rain ay inaasahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.
Kabilang sa mga kinanselang flights ay ang mga sumusunod:5J-185: Busan to Manila, 5J-8974: Davao to Manila, 5J-397: Manila to Cagayan de Oro, 5J-398: Cagayan de Oro to Manila, 5J-565: Manila to Cebu at 5J-566: Cebu to Manila. Robert C. Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment