PALAISIPAN pa sa mga otoridad ang pagkamatay ng isang retiradong propesor ng University of the Philippines (UP) nang matagpuan ito sa kanyang bahay sa Brgy. Project 4, Quezon City kahapon, Linggo, Agosto 3.
Kinilala ang biktimang si Estrella Solidum, 86, ng No. 25 Road 4, Brgy. Project 4, Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakita ang bangkay ng biktima sa loob ng banyo ng bahay nito dakong 2:23 ng hapon.
Ayon sa anak ng biktima na si Carole Ann Sarthou, nagpunta siya sa bahay ng kanyang ina upang dalawin ito. Ngunit laking gulat niya nang makitang nakahandusay ito sa banyo at wala nang buhay.
Agad na humingi ng tulong si Sarthou sa mga opisyal ng barangay na ini-report naman sa pulisya.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng biktima na wala ng kahit anong sugat sa katawan. Santi Celario
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment