Monday, August 4, 2014

Guwardiya ni Pacman, natangayan ng motor

SA tapat mismo ng mansyon ni pambansang kamao at Rep. Manny Pacquiao natangay ang motorsiklo ng kanyang bodyguard sa General Santos City, kaninang madaling-araw, Agosto 4.


Ipina-blotter na sa San Isidro PNP ng biktimang si Jonathan Villamarzo, 25, ng Purok 1, Buayan, GenSan ang pangyayari para mahuli ang hindi nakikilalang suspek at mabawi ang ninakaw na Honda Wave na hiniram lamang niya.


Sa katunayan, hindi alam ni Villamarzo ang plate number at maging ang kulay ng naturang motosiklo.


Sa ulat, nadiskubre ni Villarmarzo ang insidente nang magising ito dakong 5:00 ng madaling-araw.


Bago ito, sinabi ni Villamarzo na ipinarada niya ang naturang motosiklo nitong Linggo ng gabi sa tapat ng Mansyon 2 ni Pacquiao sa Barangay City Heights, GenSan.


Pero dahil isasauli na niya ito sa kaibigan, inagahan niya ang paggising ngunit nanlumo hindi niya ito nakita sa pinagparadahan niya.


Bigo namang makilala ang suspek gamit ang CCTV camera sa mansyon dahil hindi nito nahagip ang pinaparadahan ng motorsiklo. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Guwardiya ni Pacman, natangayan ng motor


No comments:

Post a Comment