HINDI nakaugalian ni Solenn Heusaff maging sinungaling kaya nang may magtanong kung paano niya inaalagaan ang super seksi at katakamtakam na katawan ay kaagad na inamin na peke raw ang kanyang katawan.
Ibinulgar ni Solenn na produkto siya ng photo shop. Hindi raw lahat ng mga lumalabas na promotional photos niya ay totoo niyang katawan.
Mayroon daw siyang unwanted fats sa katawan, lalo na sa likod ng baywang. Hindi rin daw makurba ang kanyang katawan. Diretso nga raw ang kanyang katawan gaya ng isang typical na French girl.
Anyway kahit sabibin at aminin ni Solenn na peke ang kanyang katawan ay walang epekto pa rin ito sa mga nagpapantasya sa kanya.
Samantala, nang tanungin at hingan ng reaction si Solenn sa nangyaring pag-i-isnub daw ni Marian kay Lovi sa TV show magkasama sila sa GMA 7 ay napangiti ito at kaagad na nagsabi na wala raw siyang napansin kahit halatang umiiwas lang siya sa isyu nina Lovi at Marian.
Hangga`t maaari raw ayaw niya ng intriga at ayaw niyang sumawsaw sa isyu ng iba. ‘Yun daw ang patakaran niya noon pa, na kung hindi naman daw niya isyu ay hindi niya pinapansin at ayaw niyang makialam.
Hindi naman itinatanggi ni Solenn na iilan lang sa showbiz ang matatawag niyang tunay na kaibigan.
Sina Lovi Poe at Heart Evangelista ang kabilang sa malapit na kaibigan niya kaya ang dalawa rin raw ang sigurado ni Solenn na iimbitahan kapag ikinasal na siya.
Nakarating na rin sa boyfriend ni Lovi Poe na si Rocco Nacino ang isyung inisnub daw diumano ni Marian Rivera ang una.
Ayon kay Rocco nalaman niya ang tungkol sa isnaban ng dalawa pero wala raw siya sa posisyon para magbigay ng comment tungkol dito.
Hindi raw makabubuti para sa tulad niya na lalake na sumawsaw sa isyu lalo at hindi naman daw siya direktang involved sa nangyari.
Pakiusap ni Rocco na hangga`t maaari ay huwag na raw sanang gatungan ng iba para hindi na humaba ang isyu ng dalawang actress.
Samantala, humingi rin ng paumanhin si Rocco sa mga press, director, producer at co-star sa pelikulang Ibong Adarna sa hindi niya pagsipot sa nakaraang mini-presscon ng nasabing movie na pinagbibidahan niya.
Talaga raw masama ang pakiramdam niya that day na natapat nga sa araw mismo ng presscon ng Ibong Adarna na ginanap sa 4th floor ng NPC.
Babawi na lang daw siya sa susunod na magkaroon uli ng presscon ang movie. TEKA MUNA/Gerry Ocampo
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment