KAHIT in demand pa sa mga pelikula si Eugene Domingo, nasa plano na niyang mag-goodbye sa movie.
Sana ang huling movie niya ay ang Barber’s Tale ng APT Productions pero may isa palang contract siya sa Star Cinema na movie. Di pa niya alam kung anong movie ang kanyang gagawin dito.
Maraming plano si Eugene sa early retirement sa pelikula. Gusto niyang magbalik school o gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin noon pa. Tapos, hindi raw niyang iiwan ang programa niyang Celebrity Bluff na napapanood tuwing weekends sa GMA 7.
Ani Eugene: “Fullfilled na ako at quota na ako bilang artista sa mga nagawa kong pelikula. Dati, sabi ko’y hanggang stage lang ako. Pero, nakuha ako ng telebisyon. Tapos, naengganyo ako ng friend kong director na si Andoy Ranay na lumabas ako sa movies. Nagka-sunud-sunod na nga. Tapos, ilang awards na rin na ang natanggap ko sa acting. Huli nga’y sa Barber’s Tale bilang best actress sa Madrid International Film Festival.”
Nagwagi rin si Eugene sa iba pang award giving bodies sa pelikula niyang Ang Babae sa Septic Tank. Hindi lang sa Pilipinas kungdi sa abroad din.
Ani Eugene: “Ano pa ba ang ipu-prove ko sa sarili ko? Nagawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin. Lalo na ang mga roles na ginampanan ko sa iba’t ibang movies ko.”
Rito sa Barber’s Tale, kahit siya’y second cholce lang. Sabi’y inalok din ito kay Kris Aquino. Okay lang kay Eugene dahil sa tingin niya’y na-justified niya ang role niya sa pelikula.
Ipalalabas ang Barber’s Tale sa mga sinehan sa buong Pilipinas sa August 13.
KAMI NA NI SOPHIE ALBERT, DI NA DAPAT ITAGO PA!
Naikwento ni Vin Abrenica sa launching ng first single niya sa National Bookstore SM North EDSA, na may titulong Wala Namang Forever na composed ni Joven Tan na on na sila ni Sophie Albert. Ayaw nang magdetalye ni Vin kung ilang buwan na sila ni Sophie. Basta sila lang daw dalawa ang nakaaalam nito.
Very supportive si Vin sa kanyang girlfriend na si Sophie sa first movie ng Kapatid contract star, ang S6parados, na entry sa Cinemalaya Film Festival na magkakaroon ng premiere night sa Sunday, 9 p.m., sa CCP Main Theater.
Ani Vin: “Supportive ako kay Sophie sa anumang hakbang niya sa kanyang career. Noon ngang isinu-shoot ang love scenes nila ni Elmo (Magalona), andoon ako. Hindi ako na-insecure o nagselos basta supporta lang ako kay Sophie.”
Alam ni Vin ang lahat ng limitation ng pag-aartista. Alam din niya na ginagawa lahat ito ng artista dahil hinihingi ng script at ng director para ma-execute ng tama ang bawat eksena.
In fact, manonood si Vin sa premiere night. Hindi raw niya ipipikit ang mga mata kapag panonoorin ang love scenes nina Sophie at Elmo. ON THE SET/Noel Asinas
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment