TALENTADONG couple kung tawagin ngayon sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sila ang magho-host ng pagbabalik ng Talentadong Pinoy na magsisimula sa August 16 sa TV5.
Nakatsikahan namin ang mag-asawa sa photo shoot nila para sa naturang show sa TV, Reliance, Mandaluyong.
Hindi naman daw napi-pressure si Robin na galing ang show kay Ryan Agoncillo at naging matagumpay ito. “Ang lahat ng bagay rito sa mundo, kung ano ang ikaloob ng Panginoong Diyos, ‘yun ako, hindi ako mapi-pressure. Basta ibibigay namin ng 100% namin ni Mariel. Sasamahan namin ng dasal, kung anuman ang mangyari, e, ‘yun ang kaloob, e!
“At ako naman hindi namin masasabi na amin ni Mariel ang show. Sa ngayon ay kami ang tatayong host, hindi natin alam kung babalik si Ryan o mapupunta rin kay Willie (Revillame), hindi natin alam, e. Sa ngayon ay kami ang host na gawing bida ‘yung mga talentadong Pinoy. Basta gagawin namin ang the best namin,” sey ng action superstar-TV host.
Marami ring suggestion si Robin para sa show. Gusto niya sana ay makilala ang mga pamilya ng contestant at pumunta sa bahay-bahay nila. Pero nabaril ito dahil baka raw maakusahan sila na may bias sa nasabing talent show.
Ang naaprubahan ay sabay-sabay nilang ka-lunch ang mga contestant bago mag-start ang taping para makilala raw niya ang mga ito maski sa pangalan lang.
Ayaw raw niya kasi na during the show ay parang kaplastikan lang ang nangyayari at wala siya talagang konek sa mga contestants.
Binigyan din ng power si Robin na maging abogado ng contestant bawat episode. Pag ibinaba ng judges ang kurtina pwede mailigtas ni Binoe at ipagtatanggol niya sa mga hurado.
Hindi ipinagkaloob kay Mariel ang power na ‘yun pero magsisilbi siyang taga-awat at taga-kalma pag nakikipag-initan na si Binoe sa mga hurado.
Samantala, hindi naman nila nakikita na maapektuhan ang show kung sakaling may LQ sila. Bihira raw mangyari yun. Pag-amin ni Robin, siya lang naman daw ang nakikipag-LQ na mababaw ang dahilan.
Tinanong din kung kailan sila magkaka-baby dahil perfect 10 ang binibigay ni Robin sa asawa bilang wife.
Sabi nila ay pag umabot na ng 32 si Mariel. So, may dalawang taon pa silang ibinibigay para bumuo ng baby. Sa ngayon ini-enjoy pa ni Binoe na siya ang baby ni Mariel.
Boom!
-0o0
Maraming mami-miss si Meg Imperial dahil nasa huling dalawang Linggo na ang kanyang seryeng Moon of Desire. “Mami-miss ko ‘yung pagtuturo sa kin ni Direk (FM Reyes) dahil ‘di naman lahat ng directors ay magtiyatyagang turuan ang artist. ‘Yung mga kulitan ng casts. ‘Yung pag walang taping lumalabas kami. Halos lahat ng mamimiss ko kasi ang dami itinuro sakin ng Moon of Desire sa craftmanship at pagiging isang tao,” malungkot na pahayag ni Meg.
Sa Book 2 ng MOD ay lumabas na ang tunay na pagkatao ni Ayla (Meg) bilang taong lobo.
“Mahirap maging lobo kasi more than two hours ang time na ginugugol sa pagkakabit ng prosthetics. Tapos, kailangang mag-research din kung paano gumalaw ang mga taong lobo. At saka, hindi lang naman ako ang kinakabitan ng prosthetics kaya matagal,” kwento pa niya.
Sey pa ni Meg, marami pang puwedeng tutukan sa huling dalawang Linggo ng Moon of Desire gaya ng kung magkakatuluyan ba sila ni Jeff (JC De Vera). Magtatagumpay ba si Jason Abalos (Ulric) sa plano niya?
Manganganib ang buhay ni Ayla, makaligtas kaya siya? Mabuo kaya ang pamilya niya sa piling ng kanyang ama (AJ Dee) at ina (Precious Lara Quigaman)?
Pakatutukan ang huling dalawang linggo ng Moon of Desire, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. XPOSED!/Roldan Castro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment