TATAKBO muli bilang presidente si ex-President at Manila Mayor Joseph Estrada kung magdedesisyon si Vice President Jejomar Binay na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party (LP) sa 2016 elections.
Ayon kay Estrada, “50-50″ ngayon ang tyansa niyang tumakbo bilang pangulo ng bansa dahil sa napapabalitang pagtakbo ni Binay sa ibang partido.
Mawawalan ng demokrasya kapag walang tatakbong presidente sa United Nationalist Alliance (UNA) kaya kailangan ang presidential candidate mula sa oposisyon.
Dahil dito, mapipilitan siyang tumakbo bilang kahalili ni Binay kung hindi makahahanap ang UNA ng presidential candidate.
Maalalang si Estrada, ay tumakbo bilang presidente noong 2010 presidential elections kasama si Binay bilang running mate. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment