MAKARAAN ang halos apat na taon, naglabas na ng dismissal order ang Office of the President kaugnay sa madugong Luneta hostage crisis noong August 23, 2010.
Ayon sa ulat, pinirmahan ni Executive Sec. Paquito Ochoa ang dismissal order laban kay Police Chief Supt. Rodolfo Magtibay, ang noo’y District Director ng Manila Police District (MPD) nang maganap ang hostage taking na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals kabilang ang suspek na si Police Sr. Insp. Rolando Mendoza.
Napatunayang guilty sa kasong gross incompetence si Magtibay na kanselado rin ang kanyang retirement benefits, illegibility at hindi na rin ito maaaring pumasok sa anumang government position.
Samantala, ayon kay Chief Supt. Reuben Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police (NP), wala pa silang natatanggap na kopya ng desisyon kaya’t hindi pa sila maaaring makomento hinggil dito. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment