Tuesday, August 5, 2014

Patrol car sinuwag ng SUV, 11 parak sugatan

NASA ligtas nang kalagayan ang 11 pulis na sakay sa patrol car ng Public Safety Company ng Capiz Police Provincial Office (CPPO) matapos suwagin ng isang SUV sa Buhang, Jaro, Iloilo City.


Patungo sa Police Regional Office 6 (PRO6) headquarters sa Camp Martin Delgado ang mga pulis para sa physical fitness tess (PFT).


Ayon sa driver na si PO1 Stephen Tubal, binabagtas nila ang kahabaan ng highway nang nag u-turn ang kanilang sinusundang sasakyan kaya nabangga.


Wala namang malubhang nasugatan kung saan pawang mga out-patient na rin ang mga pulis na sakay ng patrol car maliban lamang sa dalawa na sina PO1 Juanito Aranda at PO1 Jomar Juntada na nasa West Visayas State University Medical Center ngunit nasa ligtas na ring kalagayan.


Nasa ligtas na kalagayan na rin ang driver ng nabangga na sasakyan na isang retiradong pulis rin na kinilalang si Bionat Lanila. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Patrol car sinuwag ng SUV, 11 parak sugatan


No comments:

Post a Comment