ISINISISI ng isang opposition senator sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibigay ng mga maling impormasyon partikular sa isyu ng enerhiya, agrikultura at trabaho.
Sa nakatakdang Kontra SONA ng oposisyon sa susunod na Linggo, target nito na bigyang-diin ang problema sa enerhiya sa bansa na inaasahang lalala pa sa susunod na taon ayon kay Sen. JV Ejercito.
Ang kawalan ng kahandaan ng sektor ng agrikultura sa nakaambang pagpasok sa bansa ng mga murang produkto mula sa kalapit-bansa sa Asian.
Kasama din pagtalakay ang kakulangan ng trabaho, kahirapan at rehabilitasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
Paliwanag ni Ejercito, wala silang balak na atakihin ang Pangulo sa kanilang Kontra SONA kundi maiparamdam sa administrasyon ang kanilang kakulangan at maitama ang mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.
“Magiging constructive kami,” pangako ng batang senador. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment