NASAKOTE na ang Kenyan matapos manggahasa ng isang sales agent sa Cebu City, kagabi.
Hawak na ng Cebu City Police sa kanilang Mabolo Police Station ang suspek na si Eliud Kiplimo Lelei na itinuturong nanggahasa sa 22-anyos na sales agent.
Ayon sa pahayag ng biktima, tinawagan siya ni Lelei para sa upgrade anya ng kanyang cable connection ngunit hindi na pinalabas ng dayuhan sa bahay nito sa Sto. Niño Village sa Baragay Talamban.
Dito na siya sinaktan saka ginahasa ng Kenyan na itinanggi naman ng suspek.
Ayon kay Lelei, pineperahan siya ng biktima at ipinakita ang mga text message nito sa kanya upang makipagtalik.
Ngunit lumalabas sa medical certificate na hawak ng pulisya na tila binastos nga ito.
May natanggap na impormasyon ang pulisya na dati nang naaresto ang Kenyan dahil din sa kasong rape.
Buo ang loob ng biktima na kasuhan ang Kenyan kaugnay sa naganap na insidente. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment