PINAHIHINTULUTAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makadaan ang mga truck at container van sa mga truck route na itinalaga ng Metro Manila Council upang ma-decongest ang mga pantalan.
Ito’y matapos ang unanimous resolution ng Metro Manila mayors na humaharang sa “no apprehension policy” ng LTFRB na nagpapahintulot sa mga truck na may green plate na bumiyahe sa mga lansangan.
Inabisuhan na ni MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos ang kanilang mga traffic constable na pansamantalang itigil ang paghuli sa container trucks kada araw maliban tuwing Biyernes.
Kabilang sa mga itinalagang truck route mula Port Area hanggang SLEX o Bonifacio Drive; kaliwa sa P. Burgos at Finance Road; Ayala Boulevard; kanan sa San Marcelino; kaliwa sa UN Avenue; kanan sa Plaza Dilao, kanan sa Quirino Extension at kumaliwa sa Osmeña Highway. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment