ITONG kwentong nasagap namin ay mukhang iisa lang ang bida sa nabasa naming blind item tungkol sa dating TV host na mainitin ang ulo at palamura.
Sa tsikang nakarating sa amin, kinaiinisan daw itong dating host dahil kapag natatalo ay sobrang ingay at panay ang mura. Halos maligo raw sa mura ang kanyang mga kalaro. Kaya ang ilang mayayamang kasugalan nito ay iniiwasan na siya.
Samantalang ‘yung artikulong nabasa namin ay isang kawawang caddie naman ang sumasalo sa lahat ng ‘tang ama!’ ng lintek. Imagine, hindi lang maka-syut at mapalayo lang ng konti ang bola sa hole ay nagtutungayaw na ito. Eh, ano ba ang inilaro niya ng golf, para mag-relax o kompetensyahin ang kanyang sarili. Ay sira ulo!
Mabuti na nga lang daw at malaki-laki na ang ibinigay nitong tip sa caddie. Hindi katulad nung araw na P50 lang ang pampadulas nito. Iyon nga lang, malaki nga ang iniaabot niya ngayon na pampalubag-loob, magtitiis naman sa masasakit na salita at sa ingay ng bibig ang tagapulot ng bola.
***
PILIT NA PILIT ANG PAGPAPAKAMASA NG POLITIKO
Natatawa ang netizens sa kadramahan nitong pulitiko na nagpapakita ng gilas sa publiko.
Pilit na pilit daw ang ginagawa nito. Halatang nagpapakitang gilas lang para mapuna at mabigyan ng good ratings mula sa masa na gusto nitong hingan ng boto sa darating ng 2016 election.
Nung unang maispatan ito ng publiko ay may karga-kargang isang sakong bigas. Tumutulong kunwari ito sa pagdisgarga ng bigas sa isang sangay ng NFA. Pero nakaaawa siyang tingnan dahil halos para na itong mapapadumi sa pagbuhat ng isang kabang bigas. Pinagtawanan nga ito ng netizens matapos ma-post sa social media ang mga litrato.
Nitong kasagsagan ng ulan, umeksena naman ito sa lansangan at nagtrapik, habang ang kanyang mga bodyguards ay nasa gilid at nagbabantay. Imbes na hangaan, naging katawa-tawa siya dahil para siyang lumalangoy sa gitna ng daan.
Kampay nang kampay sa kaliwa’t kanang direksyon. Hahaha!
***
XIAN PALABANG MAY KAPANSANAN
Lalaking matapang na hinaharap ang mga hamon ng buhay sa gitna ng pisikal na kapansanan ang karakter na bibigyang-buhay ng Kapamilya heartthrob na si Xian Lim sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 9).
Gaganap si Xian bilang si Johnny Medrano, isa sa mga napiling finalist ng Gawad Geny Lopez, Jr. Bayaning Pilipino 2014 na sa kabila ng kapansanan ay nagawang suportahan ang kanyang pamilya at tulungan ang kanyang komunidad.
Tuklasin sa upcoming episode kung paanong ang isang taong minaltrato at naging biktima ng diskriminasyon at kawalang hustisya ay nagagawang mamuhay nang normal habang tinutulungan ang mga katulad niyang may kapansanan na dumaranas rin ng pang-aapi.
Tampok rin sa upcoming episode sina Isay Alvarez, Joey Marquez, Raine Salamante, Izzy Canillo, Kyline Alcantara, at Mary Joy Dalo. Ito’y sa ilalim ng direksyon Garry Fernando at panulat ni Joan Habana.
Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang http://ift.tt/1fJBE52. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKStepUp.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment