Wednesday, August 6, 2014

Ryan at Alex nagpaplastikan lang!

NAAPEKTUHAN pala at sumama ang loob ni Alex Gonzaga sa mga pahayag ni Ryan Bang sa presscon ng ‘Hawak Kamay’. Nandoon ‘yung sabihin ni Ryan na echosera ang dalaga at dinamdam nito ang pagbibiro ni Alex at sabihing pangit siya.


Bagama’t comedy lang ang pagkakwento ng dating PBB housemate sa press ay hindi pala naibigan ni Alex. Dun din niya nalaman na sumama pala ang loob nito at na-offend sa joke niya.


Magkasama ang dalawa sa ‘Banana Split:Extra Scoop’ at ‘Banana Nite’ kaya hindi naman pwedeng magdedmahan ang dalawa. Nagkausap na raw sila at okey na pero hindi na raw bumalik ‘yung dating mainit nilang friendship.


Ganoon?


-o00-

Kahit si Kim Chiu ay nag-react sa kanyang Twitter Account para sa isang PBB Teens na tamad. Produkto siya at big winner ng Pinoy Big Brother kaya may karapatan siyang magbigay ng opinion.


“Watched PBB! Haha #Affected. May isang guy super not deserving to be part ng big 4..as in!!! Tamad feeler and makatwiran sa sarili is..”


Pareho kami ng nararamdaman ni Kim sa housemate na ‘yun. At kahit nagpapakita na siya ng kasipagan ngayon, hindi na namin makita ‘yung pagpapakatotoo niya dahil isa rin siya sa nag-aambisyong mapasama sa Big 4. Parang huli na ‘yung pagbabago niya, huh!


Sa episode ng PBB nu’ng Martes ay marami naman ang pumuri kay Daniel Matsunaga sa attitude niya. Kahit kami ay sumasaludo at lalong tumaas ang respeto namin sa kanya bilang isang tao. Consistent siya sa pagiging mabait.


Sey nga ni Bekimon: “Papa Daniel is full of wisdom…Baluktot ang Tagalog n’ya pero may sense ang sinasabi n’ya. #TumFact.”


So, dapat matalino ang taumbayan sa pagpili ng Big 4 sa PBB, huh!


-0o0-

Aminadong namula ang pisngi ni Lovi Poe sa sampal ni Maricel Soriano sa confrontation scene nila sa ‘Ang Dalawang Mrs. Real’. Pero itinanggi ni Lovi na nagsusuka siya after ng sampal scene dahil sa tensyon. Bumakat daw ang sampal ng Diamond Star pero okey lang sa kanya. Panay raw ang sorry ng beteranang aktres kay Lovi at sumagot naman siya na okey siya.


Si Maricel daw ang tipo ng arista na marunong manampal dahil heavy at buo ito. Pero hindi tututol ang syota ni Rocco Nacino kung may mga eksena pa rin siya na sasampalin pa rin siya ng aktres.


Samantala, hindi pa natatapos ang kalbaryo ni Dingdong Dantes bilang Anthony sa ‘Ang Dalawang Mrs. Real’. Pagkatapos ng hagupit ng mga sampal ni Maricel (Millet), resbak at pambubugbog naman ang tinamo ni Anthony mula kina Papang (Tommy Abuel) at Dado (Dominic Roco), ang tatay at nakatatandang kapatid ni Shiela (Lovi Poe).


At ngayong Huwebes, dahil sa ginawa sa kanyang anak, may ipamumukha si Sonia (Coney Reyes) kay Tino (Tommy Abuel) at bigla itong mapatitigil at mapahihiya.


Samantala, makikita rin ni Millet na puro pasa si Anthony. Kakausapin naman muli ni Sonia si Millet at pilit ihihingi ng tawad si Anthony at hihimukin na ayusin nila ang kanilang pagsasama.


Ano ang nalaman ni Papang? Lalambot na ba ang puso at mapapatawad na kaya ni Millet si Anthony?


Bongga! XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Ryan at Alex nagpaplastikan lang!


No comments:

Post a Comment