MATAPOS holdapin, pinatay pa ng dalawang lalaki ang isang taxi driver sa loob ng taxi nito kagabi, Linggo, Agosto 3, sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Tama ng bala sa noo ang ikinasawi ng biktimang si Dionisio Constantino, 45, ng Lili St., Pingkian, Pasong Tamo sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detention Unit (QCPD-CIDU), dakong 9:20 ng gabi nang holdapin ang minamanehong taxi (UYC-229) ng biktima sa kahabaan ng Aurora St., Isidora Hills, Brgy. Holy Spirit.
Bigla na lamang umanong nakarinig ng putok ng baril at pagkabasag ng salamin sa lugar ang saksi na si Emil Enriquez habang naglalakad sa nasabing lugar.
Nakita niyang huminto ang taxi sa tapat ng isang bahay kung saan naroon ang dalawang lalaking pasahero nito.
Makalipas ang ilang segundo ay namataan ng saksi ang nakahandusay at duguang bangkay ng biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek at tinangay pa ang taxi. Santi Celario
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment