SABI ng isang consumer kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, pabaya sa kanyang tungkulin si Food and Drug Administration Director, Dr. Kenneth Hartigan-Go dahil sa patuloy na pagbabalewala nito sa talamak na bentahan ng mga gamot na pampapayat, pampaputi at sex enhancers na hindi naman aprubado at epektibo.
Ayon kay Analiza Reyes, inutil hanggang sa ngayon ang tanggapan ni Hartigan-Go dahil hindi nito kayang kastiguhin ang kanyang mga inspector na walang ginagawa kung hindi ang magkuyakoy sa kanilang opisina.
Hindi kaya nagdududa ang director ng FDA sa kanyang mga tauhan? Bakit nga ang mga ito naka-sitting pretty lang sa kanilang puwesto? Baka naghihintay lang ng darating na “lagay” mula sa drugstores na patuloy at malayang nakapagbebenta ng mga gamot?
Pero napag-alaman ng miron ng PAKUROT na si Hartigan-Go ay nagmula sa isang malaking kompanya ng gamot na may distributors sa iba’t ibang panig ng bansa, maging sa drugstores sa Binondo.
Ang mga tindahan ng mga pekeng gamot ay kadalasa’y nasa Binondo sa Maynila na ang mga may-ari ay dayuhan at ang ibinebentang gamot lalo na ang mga pampapayat na umano’y may halong amphetamine na posibleng makasama sa kalusugan.
Hindi rin dapat pumabor ang pamahalaan sa nangyayaring bentahan ng pekeng gamot sapagkat kakumpetensya na nga sila ng mga negosyanteng Pinoy na nagbabayad ng buwis, eh, makapeperwisyo pa sila sa kalusugan ng mga kababayang nais lang na gumanda sa murang halaga kaya tinatangkilik ang mga produktong akala nila ay pwede na.
Kailan ba kikilos ang tanggapan ni Hartigan-Go na dapat sana’y silang nangangalaga o nagpoprotekta sa mga mamamayan laban sa mga pekeng gamot? Maaari siguro kaya hindi kumikilos ang mga kinauukulan ay dahil sa sa tumataba at kumikinis ang kanilang bulsa mula sa kita o lagay ng mga may kinalaman sa bentahan ng mga pekeng gamot.
Para sa kaalaman ng marami, narito ang mga sinasabing pekeng gamot na patuloy pa ring ibinebenta sa drugstores sa Binondo at iba pang lugar.
Ballet Dancer Fat Reducing, Bio-Lisson Fat Reducing, Brazilian Slimming Coffee, Cell Light Slimming Coffee, Elegant Shape Fat Reducing, Goodness Fat Reducing, Goodliness Fat Reducing, Happyslim, Leisure 18 Slimming Coffee, Lightness Fat Reducing, Maggie Fitness Essence, Mei Shen Ting Anti-Obesity, Modeling Fat Reducing, New Original Lightness Fat Reducing, Pearl White Slimming, Perfect Figure Slimming, Perfect Slim Fat Reduction Cosmetic, Perfect Slim Purely Natural Fat Reduction Cosmetics at Pill for Weight Reduction.
Nasa ilang drugstores pa rin ang Pretty Model, Qiamei Fat Binder, Qi Xian Nu, Seven Days Miracle, Shaping Body Fat Loss, Slim and Beauty Slimming at Slim Up Extra Whitening and Reducing, Xiamen Fat Reduction.
Mabibili rin umano hanggang sa ngayon ang mga ipinagbabawal na sex enhancers na tulad ng Feel Attracted Emerge Victorious Climax, Queen Emerge Victorious High Spirit, Nu Er Hong Sex Hormone, African Sex Slave, Spanish Sex Drops, Longba, America Tiger Brother, Long Acting Aphrodisiac at Wolf. PAKUROT/Lea Botones
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment